Thursday, July 14, 2011

Tips Upang Maging Isang Matagumpay na Stalker - I


1. Magkaroon ng taong pagbubuhusan ng lahat ng iyong pagod, pawis, oras, atensyon, at pati na rin dugo.

2. Siguraduhing tipong tipo mo nga ang taong ito.

3. Kapag sigurado ka na, irelaks mo ang iyong sarili at ihanda sa iyong natatanging misyon.

4. Sauluhin ang kanyang mukha, ang korte ng kanyang katawan, ang kanyang lakad, ang kanyang galaw at ang pinakamahalaga, ang kanyang pigura kapag siya ay nakatalikod. Maniwala ka, ito ang pinakamatinding detalye na hindi mo dapat kalimutan.

5. Alamin ang kanyang pangalan. Mas mahalaga ang last name pero ayos lang kung first name o nickname man yan. Kung hindi agad malaman, gawan siya ng pangalang gusto mong itawag sa kanya. Halimbawa, honey, mahal, sweetie, cutie pie, at kung anu-ano pa. Pero please lang ha, wag mong ipaalam sa mga kaibigan mo ito kasi baka hindi ka na nila kausapin.

6. Magbigay ng atensyon sa mga kasuotan niya, gamit niya, sapatos niya, sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makakatulong ang mga detalyeng ito para lagi mo siyang masipat.

7. Kung kaya, itatak din sa isipan ang ilan sa mga pangalan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Yung tingin mo may koneksyon sa kanya kahit papaano.

8. Kapag may mukha at pangalan na, log in ka agad sa Facebook mo. Search mo agad siya. Kung maraming resulta, isa-isahin. Kung marunong gumamit ng Advanced Search options, gamitin ang mga ibang bagay na alam mo na sa kanya. Kung wala pa rin, gamitin ang angking galing sa research. Andyan si Google. Anu't ano pa man, malaki ang posibilidad na may identidad na yan sa virtual world.

9. Kung wala talaga siya kahit anong klaseng search ang gawin mo, malamang sinaunang tao siya. Maganda ito. May pagka-tradisyunal siya. Exciting. Kaya bumalik ka rin sa mga sinaunang paraan. Manmanan mo siya sa personal.

10. Kung malaki ang tiwala mo sa iyong sarili, maigeng ipahalata mo na trip mo siya. Hindi ibig sabihin na lalapitan mo siya upang sabihin na gusto mo siya (pero pwede rin kung komportable ka sa ganitong mga pamamaraan). Ang ibig sabihin, iparamdam mo na tinitignan mo siya at may bahagya kang interes. Minsan magpahuli ka na nakatingin ka. Minsan naman, isnabin mo. Hayaan mo siyang mag-isip. Hayaan mong isipin ka niya. Hayaan mong siya mismo ang magbukas ng sarili niya sa iyong presensya.

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment