1. Eksena: Lunes. Paalis ako ng bahay para lumuwas at pumasok sa opisina. Siya ang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.
Siya: Dalhin mo rin yung green mong pants.
Ako: Wag na. Sira yun e, walang butones.
Siya: Meron na. Eto o, tinahian ko na. Maisusuot mo na uli.
2. Eksena: Kumuha siya ng puting t-shirt sa kabinet. Kumuha rin siya ng gunting.
Ako: Anong gugupitin mo?
Siya: Itong tshirt.
Ako: Mukhang bago pa yan gugupitin mo na.
Siya: Gusto ko eh. Pakialam mo.
Ako. Fine, di wala na akong pakialam. Wala na akong sasabihin.
*Nang magupit ang manggas ng tshirt, sinuot na niya.*
Ako: Hahaha. Bakit ang haba pa rin ng manggas. Anlaki tuloy tignan sayo.
Siya: Gugupitin ko pa nga sana (para magmukhang sando) pero pag sinuot mo, lalabas na yung tagiliran mo kasi magiging malaki na ang butas.
Ako: Ako ang inisip mo nung ginupit mo yan?
Siya: Siyempre! Ikaw ang inisip ko, alangan namang ako. Alam ko namang isusuot mo rin to pag naiinitan ka.
3. Eksena: Magkagalit kami mula Miyerkules ng hapon. Nasa QC ako at nasa Batangas siya. Naibato ko at nasira ang aking cellphone sa sobrang galit. Wala kaming komunikasyon hanggang umuwi ako sa bahay pagdating ng Sabado. Hindi kami nagpapansinan. Nakatulog ako sa puyat, pagod at pagiyak. Tulog ako at hinihimas niya ang aking buhok.
Siya: Akala mo kasi palagi hindi kita mahal at wala akong pakialam sayo. Kung alam mo lang, mahal na mahal talaga kita.
*Hinalikan niya ang aking kamay at umupo lang sa tabi ko habang hindi ko ipinapahalata na nagising ako at narinig ko ang sinabi niya.*
4. Eksena: Nasa jeep kami papuntang Tanauan. Kinwento ko na nagmessage sa akin ang dating manliligaw.
Ako: Nagmessage saken si **, kinakamusta ako. Tapos sabi tayo rin pala raw ang nagkatuluyan, kung kasal na raw tayo. Sabi ko pinagiipunan pa natin. Tapos tinanong ko kung sila ng girlfriend niya e kasal na.
Siya : (nangingiti pa) Aba at nagtatanong pa siya ha.
Ako: Wala lang naman yun. Tapos tinanong pa kung magkasama na raw tayo sa bahay. Saka kung ano raw trabaho mo.
Siya: Aba, aba. Napakatsismoso naman nun. Tapos sinasagot mo naman.
Ako: Wala lang nga yun. Napasagot lang e. Tapos sabi ko goodluck na lang sa kanya at sa kanila at mukha namang masaya sila.
Siya: Wag mo na nga yung rereplyan dun. Hayaan mo lang siya pag minessage ka.
Ako: Tapos sabi ba naman mas magiging masaya raw sana siya kung ako mapapangasawa niya.
Siya: P$#@##!#@! Sabihin mo sa kanya saken niya sabihin yun para makatikim siya. Sabihin mo kausapin niya tong kamao ko. Wag na wag ka na nga sasagot sa epal na yun ha. Bakit naman kasi kinakausap mo pa?! Magtigil tigil kamo siya. Bastos siya.
Ako: Sorry. Wag ka na magalit.
Siya: Galit ako. Galit na galit.
5. Eksena: Dalawang araw bago ang aming espesyal na raw ay umuwi ako sa bahay. Habang nakahiga ako sa kwarto, pumasok siya.
Siya: Anong meron sa Linggo?
Ako: 27! Alam ko yun.
Siya: Ay, may bibigay pala ako sayo.
Ako: Ano yun?
Siiya: Sa Linggo na.
Ako: May bibigay rin ako sayo! Ngayon na please.
Siya: Hahaha. Sa Linggo pa nga.
Ako: Ngayon na, ngayon na, ngayon na. Sige na.
Siya: Kulit mo talaga. Sige na nga. Naghanap pa ako kanina nang mapaglalagyan nun e.
Ako: Asan na? Akin na!
Siya: Yan. Wag mong tatawanan ha. Wala kasi akong pera, alam mo naman.
*Binigyan niya ako ng liham na nakasobre. Stationary na may mga puso ang ginamit niya. Nakasulat sa sobre- Mga puso ko yang nakikita mo para sayo.*
Ako: Stationary ko to nung elementary ah!
Siya: Aba, sakin na yan. Marami nga akong nakita kanina. May mga Harry Potter pa. Yun sana gagamitin ko pero nakita ko yan.
*Tuwang-tuwa naman ako habang binabasa ang kanyang liham.*
Ako: Thank you! Sweet naman.
Siya: O bakit ka naluluha? Iyakin! Wag ka ngang umiyak dyan.
Ako: E masayang masaya ako e! Andyan sa bag yung sayo.
*Nilabas niya yung magnetic pocket chessboard at binuksan.*
Siya: Salamat. Ang cute.
Ako: Laro tayo!
Siya: Game!
No comments:
Post a Comment